![]() |
ako ito |
Sa pag-iibigan ng aking ama at ina na sina Norlito Lanip at Janet Lanip ay nabuo ako.Pinanganak ako noong December,12,1994 sa San Pablo City Hospital at ako ay nabinyagan sa Calihan Farconbil Church.
Sabi ng mama ko kahit pagod,magulo,at maligalig ako ay ayos lan dahil naging masaya aman ito.At dahil Dec.nakalagay na din ang amaing Christmas Tree,kaasing tanda ko daw ito kaya ganon nalang kung ingatan ng mama ko.
Sabi pa ng mama ko napaaka iyakin ko daw noong bata ako,napakaligalig ko daw at napakalikot.Madalas akong inaalagaan,nilalaro at pinapatawa ng kuya ko.
![]() |
noong ako ay bininyagan |
![]() |
nag sagala ako nito |
Marami pa akong ibang karanasan habang akoy nasa elementarya pa lamang kagaya ng pag kakaroon ko ng crush noong akoy grade5.Ngunitng ako ay nag grade6 ay hindi na siya sa aming school pumasok,at syempre dahil bata pa hindi naman nag tatagal ang mga ganun.Nang akoy grade6 nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.Isa sa mga hindi ko makakalimutang nangyari sa buhay ko ay ng akoy napili ng aming guro na bigyang parangal sa aming Recognition Day.
![]() |
ako,si papa at kuya ko |
Sa pag pasok ko ng 1st yr. ay madaming nag bago,dito mas naging maayos ako dahil teen ager na ako at may mga bagong makikilalang kaibigan.Simula 1st yr hanggang 4th yr ay nananatili ako sa section 'F'.
![]() |
ako at kuya ko |
Marami na akong naranasan, nandiyan ang naranasan kong malungkot,madapa,at mabigo pero hindi naging dahilan ito upang hindi ako bumangon mula sa aking pagkakadapa. Nandito ako patuloy na nagiging matatag sa kabila ng lahat kong problema na hinaharap at haharapin pa
Nais kong maging proud ang aking mga magulang sa akin. upang sa ganoon ay mabawi man lang ako sa paraan na kaya at alam ko. Dahil ito lang ang paraan na alam ko upang makabawi sa kanila sa ginawa nilang sakripisyo dpang mapag-aral ako.Kahit na sobrang pasaway ko ay hindi nila ako pinababayaan pero kahit lagi nila akong pinapagalitan ay naiintindihan ko sila dahil kapakanan ko ang iniisip nila kahit puno ng problema ay naging masaya at makulay parin ang aking buhay, dahil sa mga bagong kaibigang aking nakilala ngayong fourth year na binansagan naming pokemons group, natutulangan nila akong maging masaya at nakakapagsabi ako sa kanila ng aking mga problema at pinakikingan nila at dindamayan ako
![]() |
si kuya at ako |
Sa kabila ng aking mga nararanasan akoy mayroong natutunan at ayon ang pagiging matatag sa pagsubok na aking haharapin. Gamiting lakas ng loob ang mga kasawiang naranasan upang sa susunod ay mapagtagumpayan ang mga susunod na problemang darating a aking buhay dapat tayo ay laging positive thinker
Ako si kyle lanip isang babaeng positibo,masiyahin,palaban,makulit, at higit sa lahat marming pangarap nagustong maabot kaya sa lahat ng problema aking hinaharap at haharapin hindi ko ito suukuan imbis ay lalaban ako at gagawin g inspirasyon sa aking pag-tatagumpay.
Ito ako kaya sa mga taong hindi ako naiintindihan ang tunay na ako, dito sa kwento ng buhay ko makikilala niyo ako. Hindi ko masisisi ang mga taong hindi naiintindihan kung sino at ano talaga ang isang kyle lanip. Kaya sana sa kaunting naibahagi ko sa inyo ay maintidihan ninyo ako at sana kahit papano ay may aral kayong napulot sa istorya ng buhay ko.
No comments:
Post a Comment