Tuesday, February 22, 2011

Ang aking talambuhay Neryvic Flores


noong bininyagan ako




isang taon ako dito
   Noong 1985 nagkakilala ang aking mga magulang. Ang aking ama ay taga Bicol at ang aking ina naman ay taga Cebu.Nagkakilala ang aking mga magulang sa San Mateo  sa kadahilanan na nag punta ang aking ina ay nag punta sa San Mateo dahil may pinsan ito doon at pumunta rin ang aking ama doon dahil may kamaganak ito doon.Nag kakilala sila sa tulong ng kanilang mga kaibigan nag simula ang ligawan  sa peryahan. Nung una tutol ang mga  magulang ng aking ama sa pag iibigan nila pero hindi ito naging hadlang upang hindi matuloy ang pag iibigan nila. Nasunod ang kagustuhan nila na magpakasal.Nag pakasal sila sa huwes lamang  ngunit hindi sumipot sa kasal nila ang magulang ng aking ama sa kadahilanan na ayaw nito na mag pakasal ang aking ama dahil ito lang ang inaasahan nila sa buhay. pagkakasal  nila nag pundar agad sila ng kanilang bahay  dahil ayaw nila makitira sa ina nito.Nag kaanak na sila ang panganay ay pinangalanang Mary rose at ang pangalawa naman ay Mary grace at ang pangatlo ay Mary joy at ako.


   Hunyo 20 1994 pinanganak ako at pinangalanang Neryvic sa bahay lang ako pinanganak ang kwento sa akin habang pinanganganak ako may aso na nakabantay tapos muntik na daw ako tangayin at kainin buti na lang may nakakita sa akin. Sa aming magkakapatid ako lang daw ang kakaiba kasi puro ang simula ng pangalan nila ay Mary pag dating sa akin ay Nery sa kadahilanan na nag kamali daw ng sulat ang nagsusulat ng pangalan ko at bingi pa daw!!!

   Noong unang kaarawan ko bongga daw kasi bunso daw ako at may pera daw kami.Nung bata pa ko lagi daw ako nasa kapit bahay namin kasi pinahahabilin ako doon.Kasi wala sa aking mag-aalaga gawa ng may pasok ang aking mga kapatid at ang aking mga magulang naman ay nasa trabaho.Halos yung kapit bahay na namin ang nag palaki sa akin kaya hanggang ngayon ay malapit pa din ako sa kanila.Kaso napag-isipan ng aking mga magulang na lumipat ng bahay sa kadahilanan na para maiba naman.Siguro kaya kami lumipat ay naguguluhan kami sa lugar namin kahit kamag anak namin ang lahat ng andoon naiilang kami kasi bawat kilos namin ay napupuna nila at kahit pag alis namin nakakailang kasi mayaman sila at kami ay may kaya lamang.Noong lumipta na kami ng bahay,noong una ay nahirapan kami dahil hindi kami sanay,pero ng nagtagal kami ay naging ok at maayos na din sa amin at nakakilala kami ng mga bagong kaibigan.


limang taon ako dito


Noong limang taon ako pumunta kami ng aking ina sa Cebu sa kadahilanan na namatay ang aking lolo first time ko pumunta doon maganda naman ang lugar kaso hindi ko maintindihan ang salita nila.Natakot ako nung sumakay sa barko kasi first time ko lang tapos ang lakas pa nung ulan nung umuwi kami sa Cebu.Pero sulit naman kasi nag enjoy ako nang sobra nakilala ko pa ang aking mga pinsan at tita,tito at syempre ang aking lola.

Nung pumasok na ako ng elementarya sa San Marcos Elementary.School hindi na ako nag kinder nag grade1 na agad ako sa kadahilanan na nag kasakit ako ng dengue kaya hindi ako nakatapos ng kinder grade1-grade6 doon pa din ako pumasok, ayon nag loko pa ako noon.Noong grade1-grade4 section B ako tapos noong grade 5-grade6 naging A na ako.Grade6 medyo nag seryoso na ako kasi alam ko na natatapos na ang elementary life ko!!.noon wala pa ko kaalam alam kung ano ang salitang "crush" lokohan lang ito sa akin na iyak pa nga ako pag niloloko ako sa kamag aral ko.Noong graduation day na namin masaya na malungkot ako.

13 year old ako dito at graduate ng grade 6
   High school life!!! noon nag iisip ako kung saan papasok tapos Dizon High din pala ang bagsak ko kasi doon din nag tapos ang mga kapatid ko.Unang araw ko ng pag pasok kabado ako kasi di ko alam ang gagawin ko.Tapos nag kahiwalay pa kami ng section ng bestfriend ko na si Michelle Arceo. High school ano ba yun??  ayon agad ang tanong ko sa sarili ko, dito ko lang naman na experience ang lahat kahirapan, kaginhawaan, lovelife,kasiyahan, kalungkutan ,mapahiya at iba pa.

class picture namin ng 4f
  First Year ako dito ko na experience ang humarap sa madaming tao .Kailangan marunong makisama dito din ako nakahanap na mga bagong kaibigan, at bagong Bestfriend nag karoon ng barkada at napasabi din ako sa sarili ko na mahirap pala ang high school kasi una magsasakay pa papunta ng school hindi kagaya noong elememtary kami nag lalakad lang kami.Dito din ako nawalan nang isang kaibigan namatay siya sa kadahilanan na may cancer siya ang lungkot ng barkada namin  dahil 14years old pa lang siya ay kinuha na siya ni God siguro oras na talaga niya.Ang dami ng plano namin dati ng aking barkada una sabi namin pupunta kami sa ibang bansa sabay-sabay kami at sama-sama pero wala na siya di ko alam kung matutuloy pa yun sana nga matuloy pa din namin yun kahit kulang na kami. Noong 2nd year ayon F pa din ang section ko buti na lang ayon pa din ang mga classmate ko kakaunti na ang pakikisamahan ko.tapos nung nag 3rd year na ako una nahirapan ako at natakot sa mga guro na mataray dito din sa 3rd year nagkaroon ng pangalan ng aming barkada na tinawag na "Party pipz" una ang saya ng barkada namen  puro banding kami kagaya ng swimming at iba pa may awayan at tampuhan .dito ko din na subukan na mag bf una biro lang sa akin ang pag ibig pero  nung mag seryoso na ako bigla naman akong nasaktan. sinabi ko tuloy sa sarili ko na ayaw ko na mag bf mas  maganda pa na mag seryoso ako sa pag aaral.Ngayong 4th year na ako mas nagtino na ako,ang dami kong tanong sa sarili ko kagaya nang ano ba ang pag subok at tagumpay?????"pagsubok!ang dami ng pag subok ang dumating sa buhay kagaya ng pagsubok sa pag aaral,aaminin ko hirap ako sa pag aaral gawa ng financial na pangangailangan kagaya ng baon araw-araw,nasubukan ko ng pumasok na walang baon ang hirap pala kasi titiisin mo ang gutom hanggang maghapon.Hirap kame kasi dalawa pa kaming napasok yung ate ko college na 2nd year palang siya educ. ang kanyang kursong napili bagamat kahit wala kaming baon ay nagagawa pa din naming pumasok sa tulong ni God.
 
noong JS prom 
    Ngayon ang buhay ko ay nag papagamit ako sa panginoon.Masaya kasi pag may Diyos sa puso at sa buhay ko.Nagpapasalamat ako kasi nakakilala ako sa tulong ng kapitbahay namin na pastor.Nag simula ako sa outreach student lang tapos niyaya na ako sa church ng GFBC.Nag papasalamat ako kasi una nakakilala ako ng Diyos at tinanggap ko siya bilang panginoon at taga pagligtas.Thanks God kasi dahil sa kanya naging maayos ang buhay ko at nag papagamit sa kanya sa mga ministry kagaya ng pag tuturo ng mga bata at choir na rin.Kahit anong pag subok man ang dumating sa buhay ko ay hindi niya ako iiwan.Ngayong 4th year ang dami ko ng pag subok na naranasan kagaya ng sa barkada,tampuhan,awayan,pero naaayos pa din ito,pag subok sa pag aaral minsan napapagalitan kami ng guro pero halos araw-araw din.Hindi naman talaga iyon nawawala nakakilala ako ng mga kaibigan na laging nandiyan salamat sa lahat ng 4fearless sa bonding natin.

  Dito nag tatapos ang talambuhay ko......GOD BLESS TO ALL...

Ang Aking Talambuhay(Mark Angelo Resaba)


       Bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Lucio Resaba at Zenaida Resaba ako ay isinilang noong ika-anim ng Setyembre 1991. Kahit sampung taon ang agwat ng aking ama sa aking ina ay hindi naging hadlang ang edad nila sa kanilang pagmamahalan at ako ay nabuo na nga at nagkaroon pa ako ng tatlong kapatid na sina Lester, John Jhoven at Khian Vic Anton.
        Bata pa lamang ako ay makulet na ako kaya hindi maiwasang madisgrasya ako ng dahil sa paglalaro. Noong ako daw ay di inaasahang makalabas ng bahay noong limang taon ako nadapa ako, na naging dahilan ng pagkakaputok ng ulo ko at at sa sobrang takot ng aking mga magulang ay muntik nang atakihin ang aking ina, limang tahi lang naman sa ulo ang natamo ko. Nang ako’y nag anim na taon na ay madalas na kameng magaway ng aking kapatid, parang pag nagkakadikit kame ay nangangate ang kamay ko, na kapag nasuntok ko na ang kapatid ko ay naaalis na ang kati nito. At syempre pag nasuntok ko ang aking kapatid ito ay iiyak at maya maya pa ay ako naman ang iiyak dahil sa malakas na palo ni mama sa maliit kong puwet na sa kadalasang laging pumupula dahil lage kong inaaway ang kapatid ko.
        Bata pa lamang ako ay seloso na ako  pakiramdam ko kasi simula nang ipanganak ng nanay ko ang bunso kong kapatid, hindi na ako pinapansin sa bahay puro siya na lamang ang tama.
       Nang ako ay pitong taon na ay isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko halos lahat ng kamaganak ko ay nagpunta sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. May cake, spaggetti, pancit, palabok, sopas at marami pang iba. Syempre mawawala ba ang makukulit kong kalaro at mga kaklase na halos kasama ko sa araw araw kong kalokohan? Sympre hindi magpapahuli yung mga yun.
       Madalas akong napapagalitan sa aming paaralan, ako sa paaralan ng Elementarya, sa baranggay namen nagaaral nung elementarya ako, palagi kong kinakatakutan ang Lunes at Biyernes, sapagkat pag lunes araw ng pag checheck ng assignment namin madalas wala akong gawa kaya madalas may parusa huhubuan lang naman ng short at nakatayo sa unahan ng walang short na halos mamatay na sa tawa ang mga kaklase ko at madalas nakakaawa ang mga kaklase kong walang brief lalawit lawit ang bututoy. Pagdating naman ng biyernes araw naman ng pagsusulit at kailangang kumain ng kalabasa para luminaw ang mata, nakakatawa ngunit ginagawa ko lang yon bata pa lagi napasok sa isip ko ay taa lahat ng nakikinig ng malalaki kong tainga.
       Buong elementarya akong puro kalokohan pero kahit papano nag aara ako at nakakakamit ng medalya . grade three nasabitan ako ng best in filipino at grade six ako nasabitan ako ng best in science ang technology. Naka graduate ako ng elementary at takenote may medalya pa akong inasahan kong dagdag baon pagdating ng pasukan, halos tumulo na ang uhog ko sa kakaiyak nagkahiwahiwalay kami ng crush ko , na si Cecile Belen vata pa ako malandi na.
      Pasukan ng high school, unang araw ng aking patungtung ng high school , panibagong pakikisama sa mga taong di ko alam kong magugustuhan ako , masaya ng unang taon ko sa high school nakapasa ako ng ayos.
      Pangalawang taon ko na sa high school nakapasa ako at nakatungtong na ako ng pangatlong taon, hindi ko natapos sa kadahilanang nagkasakit ako ng ashma napatigil ako sa pagaaral. Halos buong taon akong nagpagaling nang di inaasahan ay sumabay ang pagkakasakit ng lola ko at hindi na naman ako nakapagaral nagpursige ako na makapagaral ulit ng high school kaya nagtrabaho ako na kahit bawal sa akin magpagod dapat kong gawin yun sapagkat para makapagipon ako at para makapagaral muli. Nagtatrabaho ako ng gabi , naniningel ako ng pera sa mga trabahador ng tiya ko, sa amin ko sinusulit ang pera sa gabi, nakapag ipon ako ng 15,000 sapat na para tustusan ang sarili sa aking pagaaral.
      Nagpunta ako ng Cavite upang doon muna tumira at tumigil na ako sa pagtatrabaho,doon na halos ako tumira ng isang taon bago pa ang aming pasukan. Nakilala ko si Althea Sofia siya ang firstlove ko malaki man ang agwat ng edad ko sa kanya ay hindi naging hadlang para maging kami. Halos araw araw napakasaya ko pag kasama siya, parang gusto ko ba na maging kami habang buhay. Napakayaman niya halos wala pa yata sa dulo ng buhok ko ang yaman nila kaysa sa amin, kung baga langit siya at lupa ako. Pero kahit ganun ay minahal niya ako. Nagaaral siya ng nursing at magtatapos na din siya sa taon ding iyon. Umabot kami ng pitong buwan ngunit bago pa dumating yon ay nagkaroon na kami ng napakalaking problema na humamon sa aming pagmamahalan. May sakit pala siyang lukemia o kanser sa dugo kaya pala iang beses sa isnag buwan nagpapasalin siya ng dugo.nilihim niya ito sa akin kasi ayaw niyang nakikita akong nagalala sa kanya. Tinaningan ang kanyang buhay ng pitong buwan, dumating ang araw ng kinakatakutan niya, na ospital siya at halos dalwang linggo siya dun at dun ko lang nalaman ang lahat na may sakit pala siya, napakasakit tanggapin na ang taong pinakamamahal at naging parte na ng buhay ko ay mawawala na sa akin. Araw araw ako nagdadasal at nagtatanong sa diyos na sana gumaling siya at bakit ngayon pa na nagmahal ako ng sobra.
        Namatay siya October 14 2008 , nasa hita ko pa habang nakanta ako ng kanta namin na Forevermore ng side 1, napakasakit na halos di ko na kayang mabuhay, pinacrimate siya ng parents niya at ako ang nagbuhos dahan dahan sa dagat nahimatay ako sa sobrang iyak at sa puyat dahil sa kakaisip sa kanya.
       Halos isang buwan ako hindi nakarecover sa nangyari sa akin. Sa tulong ng barkada at magulang ko nakapag move-on ako , muli ay nagaral ako at unti unti kong nakalimutan ang lahat. Nagkagirlfriend ako pero hindi ganun kaseryoso. Takot na kasi akong masaktan. natapos ko ang aking ikatlong taon sa high school sa Col. Lauro d. Dizon memorial national high school.
        Nakilala ko nung bakasyon, March 6 2010, si Menjie Mandigma sa tulongng aking barkada na si Luisito Calabia textmate lang kami niligawan ko siya at noong nagkita na kami ay naging kami na, masaya ako ng nakilala ko siya, masaya ako at naging legal kami sa mata ng tao at naging legal din kame sa amin at sa kanila . nayon sampung buwan na kaming magkasintahan. Siguro siya ang hiling ko sa diyos na magiging inspirasyon ko sa buhay hanggang sa aking pagtanda sana kami ang magkatuluyan. Minsan man ay nagaaway kami pero nagaayos din naman.
      Ngayon ding taong ito ay magtatapos na ako ng high school na sana ay makatapos na nga ng makabawi naman ako sa aking mga magulang. Bago pa man matapos ang aking high school life ay maraming magagandang bagay na nangyari sa buhay ko. 
Nandiyan ang BOOGIEna palagi kong kasama sa lahat ng kalokohan at mga guro ko na pinakamairap kalaban, kung makakagraduate ako.
Tatanawin kong utang na loob ko sa mga guro ko kung wala sila hindi ako makakagraduate at walang malalaman ang utak ko. Maraming salamat sa inyong lahat ng teacher ng dizon high.

        Maraming salamat sa lahat ng bumasa.”)

Monday, February 21, 2011

Ang talambuhay ni Kyle lynette Lanip

ako ito
Ito ang kwento ng buhay ko hindi man nabiyayaan ng ibat ibang talento tulad ng iba,ay ayos lan dahil hindi dahilan ito para panghinaan ako ng loob.Ako si kyle lynette lanip isang babaeng masayahin ,makulet,at puno ng pangarap a buhay.Ngunit sa kabila ng aking mga pinapakita maraming tao pa din ang humuhusga sa kung ano ako kaya heto ako ibinabahagi ang kwento ng buhay ko.
    
        Sa pag-iibigan ng aking ama at ina na sina Norlito Lanip at Janet Lanip  ay nabuo ako.Pinanganak ako noong December,12,1994 sa San Pablo City Hospital at ako ay nabinyagan sa Calihan Farconbil Church.
        Sabi ng mama ko kahit pagod,magulo,at maligalig ako ay ayos lan dahil naging masaya aman ito.At dahil Dec.nakalagay na din ang amaing Christmas Tree,kaasing tanda ko daw ito kaya ganon nalang kung ingatan ng mama ko.
        Sabi pa ng mama ko napaaka iyakin ko daw noong bata ako,napakaligalig ko daw at napakalikot.Madalas akong inaalagaan,nilalaro at pinapatawa ng kuya ko.
noong ako ay bininyagan
        Noong bata ako wala akong ibang alam gawin kung hindi mag laro,kumaen at matulog,pero ng dumating ako sa 5yrs.old doon ko nalaman na kahit bata ka pa ay kailangan mo din pumasok sa eskwelahan.Noong akoy pumasok ng Kinder ay 5yrs. old ako at akoy pumasok sa Day Care Terrace CenterSan Pablo City.Naging masaya ako sa pag pasok sa paaralan,dahil nakakilala ako ng mga bagong kalaro at kaibigan.Noong kami ay kinder umali kami sa sayaw na ginanap sa Liceo De San Pablo.Nang makapag tapos ako ng kinder ay naanyayahan ako ng aming barabggay na sumali sa Sta.Cruzan.Masaya ako sa aking naranasan noon at dahil bata pa ay maraming natutuwa sa akin.
nag sagala ako nito
         Nang akoy mag grade 1 ako ay pumasok ssa San Pablo Central School.School na ito ako pumasok ng grade1 hanggang grade6.Noong akoy grade1 madalas akong mapagalitan dahil sa aking angking kakulitan.Naranasan ko din na pumnta si mama sa aming school dahil upang pag sabihan ang aking kaklase na umaaway a akin.simula ng pag sabihan siya ng mama ko ay hindi na niya ako inaway.
          Marami pa akong ibang karanasan habang akoy nasa elementarya pa lamang kagaya ng pag kakaroon ko ng crush noong akoy grade5.Ngunitng ako ay nag grade6 ay hindi na siya sa aming school pumasok,at syempre dahil bata pa hindi naman nag tatagal ang mga ganun.Nang akoy grade6 nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.Isa sa mga hindi ko makakalimutang nangyari sa buhay ko ay ng akoy napili ng aming guro na bigyang parangal sa aming Recognition Day.
ako,si papa at kuya ko
           Nang dumating ang aming Graduation Day,halong lungkot at saya ang aming naramdaman.Lungkot dahil kaming magkakaibigan na kahit nag kakaaway away ay magkakaibigan pa din.Ganon pa man ay naging masaya na lang kami para sa isat isa,at hindi namin napigilang umiyak.
          Sa pag pasok ko ng 1st yr. ay madaming nag bago,dito mas naging maayos ako dahil teen ager na ako at may mga bagong makikilalang kaibigan.Simula 1st yr hanggang 4th yr ay nananatili ako sa section 'F'.
ako at kuya ko
Ngayon ko naisip na hindi pala habang buhay, ay puro laro kain at walang iniisip o iniintidi sa buhay dahil hindi lahat ng tao ay walang problema. Sa kabila ng iyon mayroon akong mga kaibigan na nakilala sila ang naging sandalan ko kapag may problema ako. Habang tumatagal nabuo namin ang aming samahan at ito ay tinawag naming party pips. Masaya ako dahil nakabila ng ako dito kahit na minsan away tampo iaayos namin ito
         Marami na akong naranasan, nandiyan ang naranasan kong malungkot,madapa,at mabigo pero hindi naging dahilan ito  upang hindi ako bumangon mula sa aking pagkakadapa. Nandito ako patuloy na nagiging matatag sa kabila ng lahat kong problema na hinaharap at haharapin pa
           Nais kong maging proud ang aking mga magulang sa akin. upang sa ganoon ay mabawi man lang ako sa paraan na kaya at alam ko. Dahil ito lang ang paraan na alam ko upang makabawi sa kanila sa ginawa nilang sakripisyo dpang mapag-aral ako.Kahit na sobrang pasaway ko ay hindi nila ako pinababayaan  pero kahit lagi nila akong pinapagalitan ay naiintindihan ko sila  dahil kapakanan ko ang iniisip nila  kahit puno ng problema ay naging masaya at makulay parin ang aking buhay, dahil sa mga bagong kaibigang aking nakilala ngayong fourth year na binansagan naming pokemons group, natutulangan nila akong maging masaya at nakakapagsabi ako sa kanila ng aking mga problema at pinakikingan nila at dindamayan ako
si kuya at ako
            Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong mga kaibigang nakilalang tulad nila. isa din sila sa mga dahilan kung bakit nagigng matatag parin ako sa kabila ng lahat kong nararanasan
            Sa kabila ng aking mga nararanasan akoy mayroong natutunan at ayon ang pagiging matatag sa pagsubok na aking haharapin. Gamiting lakas ng loob ang mga kasawiang naranasan upang sa susunod ay mapagtagumpayan ang mga susunod na problemang darating a aking buhay dapat tayo ay laging positive thinker
            Ako si kyle lanip isang babaeng positibo,masiyahin,palaban,makulit, at higit sa lahat marming pangarap nagustong maabot kaya sa lahat ng problema aking hinaharap at haharapin hindi ko ito suukuan imbis ay lalaban ako at gagawin g inspirasyon sa aking pag-tatagumpay.

            Ito ako kaya sa mga taong hindi ako naiintindihan ang tunay na ako, dito sa kwento ng buhay ko makikilala niyo ako. Hindi ko masisisi ang mga taong hindi naiintindihan kung sino at ano talaga ang isang kyle lanip. Kaya sana sa kaunting naibahagi ko sa inyo ay maintidihan ninyo ako at sana kahit papano ay may aral kayong napulot sa istorya ng buhay ko.

Sunday, February 20, 2011

ANG TALAMBUHAY NI ARLENE CATAPANG

tita ko yung nasa kaliwa,ako yung hawak niya. Nanay ko yung may hawak sa kapatid ko.
                Noong 1994 March 22.Ipinanganak ako ng aking ina na si Norieta Valencia, ang aking ama ay si Loriedo Catapang.Hindi lamang ako ang ipinanganak noon,mayroon akong kakambal ang pangalan niya ay Aileen Catapang. May anim pa akong mga kapatid. Ang mga babae ay sina Kimberly at Grace.Ang mga lalaki naman ay sina Noriel,Ruel,Raymond at Ronel.Sina Grace at Ronel ay kapat namin sa ina,dahil nag-asawa ang inay ng mamatay ang aming ama. Ayon sa kuwento ng aking ina, mahilig na raw ako noong kumanta bata pa lang ay sumasabay na daw kami ng kakambal ko sa radyo. Habang kami ay lumalaki, sinanay na kami ng aming magulang sa simpleng buhay at masaya naman kami doon, dahil kahit papaano ay naibibigay naman sa amin  amin magulang ang aming mga pangangailangan. Pero noong ako ay tatlong taon pa lamang, sa di inaasahang pangyayari ay namata ang aking ama.Binangungot daw ang akig ama at hindi na nagising. Noon ay wala pa akong nalalaman at naiitindihan sa buhay, may kaunti akong natatandaan pero hindi ko iyon maipaliwanag. Mag isa kaming pinalaki ng aming ina, mag isa niyang itinaguyod kaming lahat. Nang magkaisip na ako, ay ikinuwento sa akin ang nangyari sa aming ama.  Napkalungkot ko noon dahil gusto ko ay may ama ako, naiinggit nga ako dati sa ibang mga bata dahil sila ay may ama at kami ay wala. Nang ako ay bata pa ang lagi ko lang iniisip ay makapaglaro. Kaya hindi pwedeng hindi lilipas ang maghapon na hindi ako makaparlalaro. Ang mga kalaro ko noon ay mga lalaki, dahil sila ang kapitbahay namin.

4 na taon kami dito ni Aileen
Sa aking palalaro, hindi siyempre maiwasan ang sakitan,asaran, dahil nga mga bata pa. Bigla ko na lang nahampas ng kahoty ang kapatid ko at saya ay imiyak ng umiyak. Nang dumating na ang inay galing trabaho, isiinumbong niya ako. Kaya"t ako"y napagalitan minsan naispan kong  magpaturong mag bike. Kaya"t nagpaturo ako sa kuya ko. Sa hindi sinasadya, nagkabanggaan kami ng kapatid ko sa pag ba bike. Kaya naman parehas kaming nagtaob at sumakit ang mga katawan namin. Bago ako matutong makapag bike ay madami akong natamong sugat, dahil sa mga pagtataob ko. Dumating na nga ang araw at pumasok na ako sa paaraan. Hindi ko makakalimuan nang ako ay grade 1, habang ako ay naglalakad pauwi, nabangga ako ng tricycle habang ako ay tumatawid sa kalsada. Nang ako ay masagasaan ay hindi na ako dinala sa ospital dahil wala noon ang inay. Iyan ang aking naging karanasan nang ako ay grade 1. Natapos ang taon at  ako ay grade 2 na. Nag asawa ang aking ina, tinanong niya sa amin kung gusto namin na mag asawa pa siya.. Sinabi namin na pwede ,basta magiging mabait sa amin ang magigimg asawa niya. Nung una mabait siya amin. Pero ng tumagal na,ay lumabas na ang tunay niyang ugali . Hindi pala siya mabait at lagi pa siyang nawawalan ng trabaho kaya minsan ay hindi kami nakakapasok.


graduate kami ng grade 6
Sa pag aaral ko sa elementary, marami akong naging kaibigan. Kapag oras ng recess at lunch break ay tuwang tuwa na kami dahil makakapaglaro na kami. At kapag sabado at linggo ay naglalaro naman kami ng mga kaibigan ko sa aming lugar. Kapag awasan na, pupunta na ako sa aming laruan at maglalaro na ako at an aikng mga kaibigan. Ang paborito kong laro noon ay piko,taguan,sikyo,patintero at chinese garter. Dati kapag bakasyon ihinahabilin kaming magkakapatid ng aking ina sa aming tiyo at tiya. May ilang linggo din na ihinabilin kami na aming ina sa aming tiyahin. Malungkot ako noon dahil ayokong ihabilin ang gusto ko ay kasama ko pa rin ang inay. Pero alam kong hindi iyon pwede dahil nagtatrabaho siya para sa amin. Kapag may malungkot na kanta, napapaiyak ako dahil namimis ko na ang inay. Gustung gusto ko na siyang dumating. Kaya pinalilipas ko na lang ang oras ko sa paglalaro. Noong nagpasukan na ulit, nag grade 2 na ako.Enrollment noon, umiyak ako ng ako"y pinapabasa ng teachear, hindi ko alam kung bakit ako umiyak. Pero siguro nahihiya lang ako at natatakot. Sana, kung hindi lang ako noon umiyak eh, mataas sana ang seksyon ko kaya ako bumaba dahil sa pag iyak at hindi ko na nabasa ang pinapabasa sa akin. Noong ako ay grade 5 na, masaya na ako dahil nalalapit na ang aking pag ggrade 6. Samantala, bigla na lang kaming lumipat ng bahay sa marino kaya doon na rin kami pumasok ng grade 6. Pero ng nasa kalahati na ang pasukan ay bigla na lang akong nagksakit sa appendix. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pinatigil ako ng aking ina dahil huli na rin ako sa lessons ko sa school. Kaya ikinonfine ako sa sta.cruz at doon na rin ako nagpagaling. Napakalungkot ko noon dahil may sakit na nga ako ay hindi ko pa makasa ang mga kapatid ko. Kaya naman tuwang tuwa ako ng gumaling na ako.

solo pictue ko ng grade 6
Nang sumunod na taon ay pumasok na ako ng grade 6. Sa iba ding lugar dahil lumupat na naman kami ng tirahan.Nang nalaman ng teacher ko na may talent ako sa pagkanta, pinakanta niya ako pagkatapos ng flag ceremony. Hiyang hiya ako noon dahil ang daming tao. Pagkatapos kong kumanta, natuwa naman sa akin ang principal namin, sinabi niya sa akin na maganda raw ang boses ko. Nang malapit na akong grumadweyt sa elementary, natuwa ako dahil malapit na rin akong makapag-high school. Nang graduation na, nnakita kong umiyak ang inay dahil siguro iyon sa tuwa at masaya siya na makita niya kaming gumagradweyt. Nang mag bakasyon, lumipat na naman kami ng bahay, sa San Gregorio. Pagkatapos, isinama ako ng kuya ko sa church nila, church of christ. Noon ayoko pa talagang sumama doon dahil hindi pa ako handa, nang sumama ako sa religion na ito, nagbago ang ugali ko, nawala ang pagsasalita ko ng masama. Mga ilang buwan pa, at binautismuhan na ako. Tinanggap ko iti ng bukal sa aking kalooban. Kaya tuwing linggo, ay sumasamba ako kasama ang aking mga kapatid. At nagtuluy-tuloy nga ako sa paglilingkod sa Diyos. Nagbabasa ako ng bibliya. Binibigyan ko ng oras ang pagbabasa ng bibliya at iba ko pang gagawin. Sa pagpapatuloy ng bakasyon, nagswimming kami noon sa ilog at nalunod ako, dahil hindi ako marunong maglangoy. Kaya ang sumagip sa akin ay ang kaaway ko, at nagpasalamat ako sa kanya. Kya"t nagkaayos na rin kami.

Convention sa Manila.kuya ko yung nasa gitna ako yung nasa kanan.kakambal ko yung nasa kaliwa

16 years old ako dito
Nagsimula na nga ulit ang pasukan, first year high school na ako. Noong una naninibago pa ako dahil iba na naman ang mga kaklase ko. Kapag may program sa school, nagpupunta kami sa lake at nagba bike. Noong ako ay second year na tumaas ng isa ang section ko at nagtuloy tuloy na ang section kong ganuon. Hanggang sa ako ay maging fourth year na marami pa ring pagsubok na pinagdaanan. Noong una, dahil hindi ko na kaklase ang kapatid ko at ang itinuturing kong bestfriend na si Arlyn, ay wala akong makasama. Di nagtagal ay nagkaroon din ako ng mga kasama. Sina Mylene, Chilestie, Marivic. Nagkaroon din ako ng crush noon, si Eldren. Nahihiya ako sa kanya, gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Itinago ko na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ko na may crush din siya sa akin. Di nagtagal niligawan niya ako at sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Sinabi ko rin sa kanya na mahal ko din siya at sinagot ko siya. Kapag lunch time ay magkasabay kaming kumakain. Nahihiya ako sa kanya dahil ngayon lang ako nagka boyfriend na kasabay ko sa pagkain. Pero medyo hindi na ako nahihiya sa kanya ngayon. Sa pagpapatuloy ng aking buhay, ngayong malapit na ang graduation. Ang nais ko naman ay makagraduate at makapasok sa college, makahanap ng magandang trabaho at patuloy na maglingkod sa Diyos.




                                                                                      

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Marivic Rosales

2 years old ako
Isinilang sa San Pablo City Laguna noong Mayo 9,1995 si Marivic A Rosales.Bunga siya ng mabait at mabungang pagsasamahan ng magkabiyak na si Nicasio Para Rosales atubong P.N.R Compound at si Digna Mendoza Anonuevo na mula naman sa Conception.


Tatlo lahat ang ibinunga ng pagsasa nina Nicasio Rosales at Digna Anonuevo.Wala ni isa man sa mga ito ang isinilang at lumaking may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan,isipan at pagkatao.Ang mga itoy sina Marchris,Marvin at Marivic.Si Marivic ang bunso sa tatlong anak nina Nicasio at Digna.Mula sa kanyang ina natutuhan niya ang abakada at ang kanya namang amain ang sumubaybay sa paglinang ng kanyang kakayahang pangkaisipang.
Graduate ako dito ng kinder

5 taon na ko dito
Noong bata pa si marivic payat at masasakitin ito pero nawala ito noong binigyan siya ng bitamina upang lumakas.Noong siya ay 5 taong gulang nagsimula na siyang mag-aral ng kinder,doon ay naging magkaklase sila ng kanyang kapatid na si Marvin dahil gusto ng kanyang kapatid na sabay silang mag kinder.Naging mabuting magkapatid sina Marvin at Marivic,noong isang araw ay naglalaro sila ng habulan hindi sinasadiya ng kanyang kapatid na si Marvin na itulak sa may balon na may kasamang yero at doon ay nalaglag si Marivicat nasugatan sa kaliwang binti sa may likuran,kaya nagkaroon siya ng mahabang peklat sa binti pero hindi ito naging hadlang upang mamuhay ng matiwasay.


At noong nakapagtapos na sila ng kinder nagsimula na siyang mag grade 1 sa Bagong Bayan Elementary School at doon ay naging magkaklase ulit sila ng kanyang kapatid at ng sila ay nag grade 5 na ay nakitaan na ng galing sa pagsayaw at sa matematika si Marivic.


Lagi siyang nakakasama sa magagaling ma matematika at ng mag grade 6 na sila ay natuto na itong mag computer at mag cellphone si Marivic kaya napabayaan na niya ang kanyang pag-aaral kaya bumaba ang marka niya pero kahit ganoon ay nakatapos parin ng pag-aaral ang magkapatid na sina Marivic at Marvin.At ng makapatos sila ay nag aral sila sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School bilang first year high school ang naging section nila ay I-G ang kanyang adviser ay si Mrs.Lynn Yu.

15 years old na ko dito
Unang araw ng klase nilang bilang High School ay nakilala niya si Reymark Santiago ang unang nagpatibok ng kanyang puso,si Reyamark ang naging first love niya at nagkagusto rin naman si Reymark kay Marivic.


Ayos na sana sila na maging mag kasintahan ngunit my humadlang si Arlene Morales siya ang umakit kay Reymark Santiago kaya lumayo ang loob nito kay Marivic pero ang hindi alam ni Marivic na magkaibigan lang pala ang dalawa ang akala niya ay inaagaw ni Arlene si Reymark pero hindi naman talaga sila naging magkasintahan dahil sa maraming dahilan.At nang mag second year na sila naging section na ni Marivic ay II-E dahil ito ay nagbuti na sa pag aaral dahil kay Reymark ang kanyang inspirasyon at si Reymark naman ay II-F parehas sila ni Arlene,sumama ang loob ni Marivic ng malaman niya na hindi na niya kaklase ang kanyang first love.


At ng mag third year na sila naging III-F na ang section ni Marivic dahil natuto na siyang mag cutting classes dahil sa impluwensiya ng masamang barkada at si Arlene naman ay II-F parin dahil madalas itong hindi pumasok sa paaralan.Nalungkot ng husto si Marivic ng malaman niyang hindi na nagpasok si Reymark dito sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Pero kahit ganoon ay nagpatuloy parin siya sa pag aaral.At ng malapit na ang JS ng kanilang paaralan.May isang lalaki na nagyaya sa kanya na maging partner niya hindi na niya ito nakilala dahil iba ang seksyon nito at nagulat siya ng bigla itong umamin na crush niya si Marivic.


Ang lalaking ito ang first and last dance niya.Hindi siya nadevelop dito dahil inlove parin siya kay Reymark.Nang maging fourth year na siya ang seksyon niya ay IV-F bumaba ang kaniyang marka nung second grading dahil madalas ang kaniyang pag absent sa klase nakasama siya sa deliberation.Pinakausap niya sa mga teacher ang kaniyang magulang upang malaman kung ano ang dapat gawin upang makagraduate.Isang araw pumunta ng lake si Marivic at kaniyang mga kaibigan upang maglibang,kinabahan at namula si Marivic ng makita niya ulit ang kanyang first love na si Reymark,kaso nalungkot siya kasi umalis na ito dahil my pasok na sila hindi manlang nila ito nakausap o nakamusta man lang.


kaming dalawa ni Iara kaklase ko ngayong fourth year
At ng malapit na ulit mag JS hindi siya nagagalak dahil wala siya isusuot na damit pero bayad na siya kaya gumawa ng paraan ang kanyang ina upang maging masaya si Marivic.Nagpatahi ng Hawaiian Dress ang kanyang ina upang magamit niya sa araw ng JS,at ng sumapit na ang araw na iyon kinilig ng husto si Marivic dahil ang naging first dance niya ay si John Martin Banayo ang kanyang kamag-aral hindi niya makakalimutan ang JS ngayong taong 2011.At hanggang ngayon ay nabubuhay parin ng maatos si Marivic Rosales kasama ang kanyang buong pamilya na nabubuhay sila ngayon ng masaya at masagana.

Friday, February 18, 2011

Talambuhay ni Menchie Regachuelo


Ako si Menchie luces Regachuelo ipinanganak noong Feb, 26 1994 sa probinsya ng albay. Ika apat sa pitong mag kakapatid. May angkin kabaitan, matulungin, matalino,mapag mahal at higit sa lahat palakaibigan. Ang aking mga magulang ay sina Domingga Regachuelo, Jose Rebamba Regachuelo Jr. ang hanap buhy ng aking ina ay beautician at ang aking ama nanman ay karpintero. Pareho lamang silang nag ta trabaho para maiahon kami sa kahirapan dahil pito kaming mag kakapatid. Ayon ay sina Michelle John Micheal  Jaymart Jayrald Mary Ann at ang pinaka bunso naming kapatid na si  Buena Ventura Regachuelo pero kahit marami kami hindi kami naka ranas ng kagipitan dahil andyan ang aking pinaka mamahal na mga magulang na sumusuporta sa amin.

            Nang akoy 3yr old na ay gusting gusto kunang mag aral kaso sabi ng aking ina ay sa isang taon na sapagkat masyado pa akong bata. Pero dahil na bata pa ako palagi kung pinipilit ang nanay ko na gusto ko nang mag aral at pumasok sa paaralan.

            At nang dumating na ang araw na iyon ng ako y apat na taong gulan na ay nag aral na ako ng kinder sa Day Care Center. Ditto na ko natutung sumulat at bumilang at marmi pa akong mga kalarong ibang bata.
           
            Nang akoy grade one pumasok ako sa Sopronio B. Garcia Elementary School hanggang grade six. Noong grade 2 ako ay di ko inaasahang maakidente ako ng ako ay natuklaw ng ahas sa kanang daliri ng aking paa dahil als siete na ng gabi ay nag lalaro pa kami ng aaking mga pinsan nang tagutaguan  pero mabilis di iyong nalunasan.

             At nang ako ay nasa grade 4 na unti unti na akong nag babago dahil hindi na ako nakikipag laro sa maliliit na bata at ditto ako ay nakarnas nang bulutong kaya lagi lang akong nasa loob ng bahay dahil bawal daw akong lumbas ng  bahay sabi ng nanay ko at lagi din akong ballot na balot dahil bawal daw itong mahanginan baka daw kasi lalong dumami at marami ang ipinag babawal. Pag ka lipas nang ilang linggo ay gumaling na ako ayo nga lang marami akong peklat alaala ng aking bulutong.

             Nang ako ay grade six ay lalo pa akong nag buti ng pag aaral dahil nais kong makasama sa graduation. Bago ako nag graduate ay sa lola ko ako nakatira sa pagkat ang mga magulang at mga kapatid ko ay nasa san Pablo kaya ang aking tiyahin na lamang ang nag hatid sa akin.

            Pag katapos ng aking graduation mga dalawang lingo palamang ay hindi ko inaasahang uuwi si papa upang kaunin ako dahil sa San Pablo na daw ako mag aaral na high school nalulungkot man ako dahil iiwan kuna ang aking lola masaya na rin ako at makakasama kuna ang aking pamilya.

            Kya ngayon ditto na ako nakatira sa San Pablo City sa Brgy. City Subd. Quirino St. Pero hindi muna ako nag aral pinatapos muna ng mga magulang ko ang isa kong kapatid na collage dahil kulang na ang aming budget at pag ka tapos ng kuya ko ay saka palang ako mag aaal ng 1st yr high school.
            Nag aral na ako ng 1styr sa paaralan Dizon High. Ditto na ako nag simula na mag aral sa high school nat marami na naman akong mga nakilalang bagong kaibigan. Nakilala nila ako sa pagiging mabait, mahinhin, mahiyain, at isa pa dun ay mabuting kaibigan. Marami na rin akong natutunang mga pag uugalu.

            Nang 2nd yr na ako ay maulungkot mang isipin ay di kuna nagging kaklase ang mga kaibigan ko. Pero meron din akong mga dating kaklase na kaklase ko ulit ayun nga lang di ko masyadong ka close. Hangga sa tumaga ay lagi na kaming mag kakasama hanggang sa dumami na kami at nabuo ang tropa ng “vhesoumenkeelbavy” ayo ay sina  vhera sousette ako relsie ella babalyn at ivy. Lagi kaming masaya pero minsan may tampuhan din. Mag kakasakami pag napunta ng lake kapag wala kameng klase nag iihaw at nag ba bike kame iikutin ang buong lake.lalo na tuwing dadating ang araw ng 17 dahil friendsary naming yun.

            Nang ako ay 3rd yr na lumipat na kami ng tirahan ngayon ay nakatira na kami sa San Ignacio SPC. Pero mas gusto ko pa dun sa dati naming tirahan dahil hindi ako nahiirapang pumasok  sa eskwelahan. Doon mura lang ang pamasahe pwede din na lakadin kasi malapit lang. sa mantalang ngayon nasa san ig nacio na kami ay napaka mahal na pamsahe dahil dalawang sakay pa. pero ayos na rin yun wala na akong magagawa.

            Pinag buti ko pa lalo ang pag aaral daahil ayokong maiwan ako ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakasama sa deliberate.

            At ngayong 4th yr na ako hindi na kumpleto an gaming gropo sila relsie at ella ay napahiwalay na sa amin. Kya ngayon apat nalang kaming mag kakasma. Pero ok lang may iba naman kami ngayong mga kasama at yun ang bgo naming mga kaibigan. Pero sana sabay sabay kaming makatapos kasi sabay sabay kaming pumasok.

            Sa ngayon iniisip ko parin ang aking kukuhaning kurso. Pinag pipilian ko pain ang IT o HRM. Malapit na ang graduation pero hindi muna ako papasok mag ta trabaho muna ako pa magkapera.

 HANGGANG DITO NALANG MUNA ANG AKING TALAMBUHAY..