Sunday, February 20, 2011

ANG TALAMBUHAY NI ARLENE CATAPANG

tita ko yung nasa kaliwa,ako yung hawak niya. Nanay ko yung may hawak sa kapatid ko.
                Noong 1994 March 22.Ipinanganak ako ng aking ina na si Norieta Valencia, ang aking ama ay si Loriedo Catapang.Hindi lamang ako ang ipinanganak noon,mayroon akong kakambal ang pangalan niya ay Aileen Catapang. May anim pa akong mga kapatid. Ang mga babae ay sina Kimberly at Grace.Ang mga lalaki naman ay sina Noriel,Ruel,Raymond at Ronel.Sina Grace at Ronel ay kapat namin sa ina,dahil nag-asawa ang inay ng mamatay ang aming ama. Ayon sa kuwento ng aking ina, mahilig na raw ako noong kumanta bata pa lang ay sumasabay na daw kami ng kakambal ko sa radyo. Habang kami ay lumalaki, sinanay na kami ng aming magulang sa simpleng buhay at masaya naman kami doon, dahil kahit papaano ay naibibigay naman sa amin  amin magulang ang aming mga pangangailangan. Pero noong ako ay tatlong taon pa lamang, sa di inaasahang pangyayari ay namata ang aking ama.Binangungot daw ang akig ama at hindi na nagising. Noon ay wala pa akong nalalaman at naiitindihan sa buhay, may kaunti akong natatandaan pero hindi ko iyon maipaliwanag. Mag isa kaming pinalaki ng aming ina, mag isa niyang itinaguyod kaming lahat. Nang magkaisip na ako, ay ikinuwento sa akin ang nangyari sa aming ama.  Napkalungkot ko noon dahil gusto ko ay may ama ako, naiinggit nga ako dati sa ibang mga bata dahil sila ay may ama at kami ay wala. Nang ako ay bata pa ang lagi ko lang iniisip ay makapaglaro. Kaya hindi pwedeng hindi lilipas ang maghapon na hindi ako makaparlalaro. Ang mga kalaro ko noon ay mga lalaki, dahil sila ang kapitbahay namin.

4 na taon kami dito ni Aileen
Sa aking palalaro, hindi siyempre maiwasan ang sakitan,asaran, dahil nga mga bata pa. Bigla ko na lang nahampas ng kahoty ang kapatid ko at saya ay imiyak ng umiyak. Nang dumating na ang inay galing trabaho, isiinumbong niya ako. Kaya"t ako"y napagalitan minsan naispan kong  magpaturong mag bike. Kaya"t nagpaturo ako sa kuya ko. Sa hindi sinasadya, nagkabanggaan kami ng kapatid ko sa pag ba bike. Kaya naman parehas kaming nagtaob at sumakit ang mga katawan namin. Bago ako matutong makapag bike ay madami akong natamong sugat, dahil sa mga pagtataob ko. Dumating na nga ang araw at pumasok na ako sa paaraan. Hindi ko makakalimuan nang ako ay grade 1, habang ako ay naglalakad pauwi, nabangga ako ng tricycle habang ako ay tumatawid sa kalsada. Nang ako ay masagasaan ay hindi na ako dinala sa ospital dahil wala noon ang inay. Iyan ang aking naging karanasan nang ako ay grade 1. Natapos ang taon at  ako ay grade 2 na. Nag asawa ang aking ina, tinanong niya sa amin kung gusto namin na mag asawa pa siya.. Sinabi namin na pwede ,basta magiging mabait sa amin ang magigimg asawa niya. Nung una mabait siya amin. Pero ng tumagal na,ay lumabas na ang tunay niyang ugali . Hindi pala siya mabait at lagi pa siyang nawawalan ng trabaho kaya minsan ay hindi kami nakakapasok.


graduate kami ng grade 6
Sa pag aaral ko sa elementary, marami akong naging kaibigan. Kapag oras ng recess at lunch break ay tuwang tuwa na kami dahil makakapaglaro na kami. At kapag sabado at linggo ay naglalaro naman kami ng mga kaibigan ko sa aming lugar. Kapag awasan na, pupunta na ako sa aming laruan at maglalaro na ako at an aikng mga kaibigan. Ang paborito kong laro noon ay piko,taguan,sikyo,patintero at chinese garter. Dati kapag bakasyon ihinahabilin kaming magkakapatid ng aking ina sa aming tiyo at tiya. May ilang linggo din na ihinabilin kami na aming ina sa aming tiyahin. Malungkot ako noon dahil ayokong ihabilin ang gusto ko ay kasama ko pa rin ang inay. Pero alam kong hindi iyon pwede dahil nagtatrabaho siya para sa amin. Kapag may malungkot na kanta, napapaiyak ako dahil namimis ko na ang inay. Gustung gusto ko na siyang dumating. Kaya pinalilipas ko na lang ang oras ko sa paglalaro. Noong nagpasukan na ulit, nag grade 2 na ako.Enrollment noon, umiyak ako ng ako"y pinapabasa ng teachear, hindi ko alam kung bakit ako umiyak. Pero siguro nahihiya lang ako at natatakot. Sana, kung hindi lang ako noon umiyak eh, mataas sana ang seksyon ko kaya ako bumaba dahil sa pag iyak at hindi ko na nabasa ang pinapabasa sa akin. Noong ako ay grade 5 na, masaya na ako dahil nalalapit na ang aking pag ggrade 6. Samantala, bigla na lang kaming lumipat ng bahay sa marino kaya doon na rin kami pumasok ng grade 6. Pero ng nasa kalahati na ang pasukan ay bigla na lang akong nagksakit sa appendix. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pinatigil ako ng aking ina dahil huli na rin ako sa lessons ko sa school. Kaya ikinonfine ako sa sta.cruz at doon na rin ako nagpagaling. Napakalungkot ko noon dahil may sakit na nga ako ay hindi ko pa makasa ang mga kapatid ko. Kaya naman tuwang tuwa ako ng gumaling na ako.

solo pictue ko ng grade 6
Nang sumunod na taon ay pumasok na ako ng grade 6. Sa iba ding lugar dahil lumupat na naman kami ng tirahan.Nang nalaman ng teacher ko na may talent ako sa pagkanta, pinakanta niya ako pagkatapos ng flag ceremony. Hiyang hiya ako noon dahil ang daming tao. Pagkatapos kong kumanta, natuwa naman sa akin ang principal namin, sinabi niya sa akin na maganda raw ang boses ko. Nang malapit na akong grumadweyt sa elementary, natuwa ako dahil malapit na rin akong makapag-high school. Nang graduation na, nnakita kong umiyak ang inay dahil siguro iyon sa tuwa at masaya siya na makita niya kaming gumagradweyt. Nang mag bakasyon, lumipat na naman kami ng bahay, sa San Gregorio. Pagkatapos, isinama ako ng kuya ko sa church nila, church of christ. Noon ayoko pa talagang sumama doon dahil hindi pa ako handa, nang sumama ako sa religion na ito, nagbago ang ugali ko, nawala ang pagsasalita ko ng masama. Mga ilang buwan pa, at binautismuhan na ako. Tinanggap ko iti ng bukal sa aking kalooban. Kaya tuwing linggo, ay sumasamba ako kasama ang aking mga kapatid. At nagtuluy-tuloy nga ako sa paglilingkod sa Diyos. Nagbabasa ako ng bibliya. Binibigyan ko ng oras ang pagbabasa ng bibliya at iba ko pang gagawin. Sa pagpapatuloy ng bakasyon, nagswimming kami noon sa ilog at nalunod ako, dahil hindi ako marunong maglangoy. Kaya ang sumagip sa akin ay ang kaaway ko, at nagpasalamat ako sa kanya. Kya"t nagkaayos na rin kami.

Convention sa Manila.kuya ko yung nasa gitna ako yung nasa kanan.kakambal ko yung nasa kaliwa

16 years old ako dito
Nagsimula na nga ulit ang pasukan, first year high school na ako. Noong una naninibago pa ako dahil iba na naman ang mga kaklase ko. Kapag may program sa school, nagpupunta kami sa lake at nagba bike. Noong ako ay second year na tumaas ng isa ang section ko at nagtuloy tuloy na ang section kong ganuon. Hanggang sa ako ay maging fourth year na marami pa ring pagsubok na pinagdaanan. Noong una, dahil hindi ko na kaklase ang kapatid ko at ang itinuturing kong bestfriend na si Arlyn, ay wala akong makasama. Di nagtagal ay nagkaroon din ako ng mga kasama. Sina Mylene, Chilestie, Marivic. Nagkaroon din ako ng crush noon, si Eldren. Nahihiya ako sa kanya, gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Itinago ko na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ko na may crush din siya sa akin. Di nagtagal niligawan niya ako at sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Sinabi ko rin sa kanya na mahal ko din siya at sinagot ko siya. Kapag lunch time ay magkasabay kaming kumakain. Nahihiya ako sa kanya dahil ngayon lang ako nagka boyfriend na kasabay ko sa pagkain. Pero medyo hindi na ako nahihiya sa kanya ngayon. Sa pagpapatuloy ng aking buhay, ngayong malapit na ang graduation. Ang nais ko naman ay makagraduate at makapasok sa college, makahanap ng magandang trabaho at patuloy na maglingkod sa Diyos.




                                                                                      

No comments:

Post a Comment