Tuesday, February 22, 2011

Ang Aking Talambuhay(Mark Angelo Resaba)


       Bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Lucio Resaba at Zenaida Resaba ako ay isinilang noong ika-anim ng Setyembre 1991. Kahit sampung taon ang agwat ng aking ama sa aking ina ay hindi naging hadlang ang edad nila sa kanilang pagmamahalan at ako ay nabuo na nga at nagkaroon pa ako ng tatlong kapatid na sina Lester, John Jhoven at Khian Vic Anton.
        Bata pa lamang ako ay makulet na ako kaya hindi maiwasang madisgrasya ako ng dahil sa paglalaro. Noong ako daw ay di inaasahang makalabas ng bahay noong limang taon ako nadapa ako, na naging dahilan ng pagkakaputok ng ulo ko at at sa sobrang takot ng aking mga magulang ay muntik nang atakihin ang aking ina, limang tahi lang naman sa ulo ang natamo ko. Nang ako’y nag anim na taon na ay madalas na kameng magaway ng aking kapatid, parang pag nagkakadikit kame ay nangangate ang kamay ko, na kapag nasuntok ko na ang kapatid ko ay naaalis na ang kati nito. At syempre pag nasuntok ko ang aking kapatid ito ay iiyak at maya maya pa ay ako naman ang iiyak dahil sa malakas na palo ni mama sa maliit kong puwet na sa kadalasang laging pumupula dahil lage kong inaaway ang kapatid ko.
        Bata pa lamang ako ay seloso na ako  pakiramdam ko kasi simula nang ipanganak ng nanay ko ang bunso kong kapatid, hindi na ako pinapansin sa bahay puro siya na lamang ang tama.
       Nang ako ay pitong taon na ay isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko halos lahat ng kamaganak ko ay nagpunta sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. May cake, spaggetti, pancit, palabok, sopas at marami pang iba. Syempre mawawala ba ang makukulit kong kalaro at mga kaklase na halos kasama ko sa araw araw kong kalokohan? Sympre hindi magpapahuli yung mga yun.
       Madalas akong napapagalitan sa aming paaralan, ako sa paaralan ng Elementarya, sa baranggay namen nagaaral nung elementarya ako, palagi kong kinakatakutan ang Lunes at Biyernes, sapagkat pag lunes araw ng pag checheck ng assignment namin madalas wala akong gawa kaya madalas may parusa huhubuan lang naman ng short at nakatayo sa unahan ng walang short na halos mamatay na sa tawa ang mga kaklase ko at madalas nakakaawa ang mga kaklase kong walang brief lalawit lawit ang bututoy. Pagdating naman ng biyernes araw naman ng pagsusulit at kailangang kumain ng kalabasa para luminaw ang mata, nakakatawa ngunit ginagawa ko lang yon bata pa lagi napasok sa isip ko ay taa lahat ng nakikinig ng malalaki kong tainga.
       Buong elementarya akong puro kalokohan pero kahit papano nag aara ako at nakakakamit ng medalya . grade three nasabitan ako ng best in filipino at grade six ako nasabitan ako ng best in science ang technology. Naka graduate ako ng elementary at takenote may medalya pa akong inasahan kong dagdag baon pagdating ng pasukan, halos tumulo na ang uhog ko sa kakaiyak nagkahiwahiwalay kami ng crush ko , na si Cecile Belen vata pa ako malandi na.
      Pasukan ng high school, unang araw ng aking patungtung ng high school , panibagong pakikisama sa mga taong di ko alam kong magugustuhan ako , masaya ng unang taon ko sa high school nakapasa ako ng ayos.
      Pangalawang taon ko na sa high school nakapasa ako at nakatungtong na ako ng pangatlong taon, hindi ko natapos sa kadahilanang nagkasakit ako ng ashma napatigil ako sa pagaaral. Halos buong taon akong nagpagaling nang di inaasahan ay sumabay ang pagkakasakit ng lola ko at hindi na naman ako nakapagaral nagpursige ako na makapagaral ulit ng high school kaya nagtrabaho ako na kahit bawal sa akin magpagod dapat kong gawin yun sapagkat para makapagipon ako at para makapagaral muli. Nagtatrabaho ako ng gabi , naniningel ako ng pera sa mga trabahador ng tiya ko, sa amin ko sinusulit ang pera sa gabi, nakapag ipon ako ng 15,000 sapat na para tustusan ang sarili sa aking pagaaral.
      Nagpunta ako ng Cavite upang doon muna tumira at tumigil na ako sa pagtatrabaho,doon na halos ako tumira ng isang taon bago pa ang aming pasukan. Nakilala ko si Althea Sofia siya ang firstlove ko malaki man ang agwat ng edad ko sa kanya ay hindi naging hadlang para maging kami. Halos araw araw napakasaya ko pag kasama siya, parang gusto ko ba na maging kami habang buhay. Napakayaman niya halos wala pa yata sa dulo ng buhok ko ang yaman nila kaysa sa amin, kung baga langit siya at lupa ako. Pero kahit ganun ay minahal niya ako. Nagaaral siya ng nursing at magtatapos na din siya sa taon ding iyon. Umabot kami ng pitong buwan ngunit bago pa dumating yon ay nagkaroon na kami ng napakalaking problema na humamon sa aming pagmamahalan. May sakit pala siyang lukemia o kanser sa dugo kaya pala iang beses sa isnag buwan nagpapasalin siya ng dugo.nilihim niya ito sa akin kasi ayaw niyang nakikita akong nagalala sa kanya. Tinaningan ang kanyang buhay ng pitong buwan, dumating ang araw ng kinakatakutan niya, na ospital siya at halos dalwang linggo siya dun at dun ko lang nalaman ang lahat na may sakit pala siya, napakasakit tanggapin na ang taong pinakamamahal at naging parte na ng buhay ko ay mawawala na sa akin. Araw araw ako nagdadasal at nagtatanong sa diyos na sana gumaling siya at bakit ngayon pa na nagmahal ako ng sobra.
        Namatay siya October 14 2008 , nasa hita ko pa habang nakanta ako ng kanta namin na Forevermore ng side 1, napakasakit na halos di ko na kayang mabuhay, pinacrimate siya ng parents niya at ako ang nagbuhos dahan dahan sa dagat nahimatay ako sa sobrang iyak at sa puyat dahil sa kakaisip sa kanya.
       Halos isang buwan ako hindi nakarecover sa nangyari sa akin. Sa tulong ng barkada at magulang ko nakapag move-on ako , muli ay nagaral ako at unti unti kong nakalimutan ang lahat. Nagkagirlfriend ako pero hindi ganun kaseryoso. Takot na kasi akong masaktan. natapos ko ang aking ikatlong taon sa high school sa Col. Lauro d. Dizon memorial national high school.
        Nakilala ko nung bakasyon, March 6 2010, si Menjie Mandigma sa tulongng aking barkada na si Luisito Calabia textmate lang kami niligawan ko siya at noong nagkita na kami ay naging kami na, masaya ako ng nakilala ko siya, masaya ako at naging legal kami sa mata ng tao at naging legal din kame sa amin at sa kanila . nayon sampung buwan na kaming magkasintahan. Siguro siya ang hiling ko sa diyos na magiging inspirasyon ko sa buhay hanggang sa aking pagtanda sana kami ang magkatuluyan. Minsan man ay nagaaway kami pero nagaayos din naman.
      Ngayon ding taong ito ay magtatapos na ako ng high school na sana ay makatapos na nga ng makabawi naman ako sa aking mga magulang. Bago pa man matapos ang aking high school life ay maraming magagandang bagay na nangyari sa buhay ko. 
Nandiyan ang BOOGIEna palagi kong kasama sa lahat ng kalokohan at mga guro ko na pinakamairap kalaban, kung makakagraduate ako.
Tatanawin kong utang na loob ko sa mga guro ko kung wala sila hindi ako makakagraduate at walang malalaman ang utak ko. Maraming salamat sa inyong lahat ng teacher ng dizon high.

        Maraming salamat sa lahat ng bumasa.”)

No comments:

Post a Comment